Pangarap (TULA)

 

Pangarap

 

Ano nga ba ang pangarap?

 

Sabi nila ito ang nais mong maging

Pero sa iba ito ang yung nais kamtin

Ako, nais kong maging ilustrador

Ilustrador ng sarili kong mundo

Na bubuo ng minimithi kong pagkatao.

 

Bata palang ako pag-guhit at pag-pinta ang nasa puso ko

Katulad ng isang tipikal na tinedyer

Na nagnanais na magkakaroon ng pagbabago

Ay ganon din ako, nais kong makalaya sa kahirapan

Dulot ng pandaraya ng mundong di nagpaparaya.

 

Sa araw araw na puno ng karanasan

Ako’y nangangarap na di lang para sa aking sarili

Kundi para din sa aking pamilya

Upang magbigay sukli sa kanilang hirap at aruga

Ama, ina marami pong salamat sa lahat.

 

Titiisin ko ang hirap

Hanggang sa makamit ko ang aking mga pangarap

Oo, hindi ako ganon katalino pero ako’y may talento.

Balang araw, lahat ng ito ay magiging isa na lamang kuwento.

Ating itatak sa isipan na gaano man kahirap ngayon, huwag mong pipiliing sumuko.

 

Kahit ano pa man ang ating suungin

Mga paghihirap ay hindi maiiwasan

Lahat ng ito’y dapat nating kayanin

Nang ang tagumpay ay ating kamtin

Huwag makalimot sa Diyos manalangin

Comments