Posts

Pangarap (TULA)

  Pangarap   Ano nga ba ang pangarap?   Sabi nila ito ang nais mong maging Pero sa iba ito ang yung nais kamtin Ako, nais kong maging ilustrador Ilustrador ng sarili kong mundo Na bubuo ng minimithi kong pagkatao.   Bata palang ako pag-guhit at pag-pinta ang nasa puso ko Katulad ng isang tipikal na tinedyer Na nagnanais na magkakaroon ng pagbabago Ay ganon din ako, nais kong makalaya sa kahirapan Dulot ng pandaraya ng mundong di nagpaparaya.   Sa araw araw na puno ng karanasan Ako’y nangangarap na di lang para sa aking sarili Kundi para din sa aking pamilya Upang magbigay sukli sa kanilang hirap at aruga Ama, ina marami pong salamat sa lahat.   Titiisin ko ang hirap Hanggang sa makamit ko ang aking mga pangarap Oo, hindi ako ganon katalino pero ako’y may talento. Balang araw, lahat ng ito ay magiging isa na lamang kuwento. Ating itatak sa isipan na gaano man kahirap ngayon, huwag mong pipiliing sumuko. ...